Monday, 14 October 2013

Japan

Ang salitang Japan ay nagsimula sa Nippon na may kahulugang Estado Ng Hapon. Ang mga ainu ang lihitimong sinaunang tao sa Japan na nagmula sa Hokkaido at iba pang hilagang bahagi ng bansa. Ayon sa tradisyon ng Hapones, si Jimmu ang naging unng emperador ng Japan. Nang simulang mag-away ng mga liping Hapones, ang nagtagumpay na lipi ang siyang namuno sa estado. Itinatag ng mga liping Hapones ang relihiyong Shinto. Sinamba nila ang kami na ayon sa kanila ay naninirahan sa kalikasan.